Sinarado ng DIWA Party-List ang Taon sa Pamamagitan ng Isang Medical Mission

ZAMBALES (NOVEMBER 19, 2015)- HINDI alintana ang bagyo sa pagdagsa ng libu-libong katao sa magkasunod na araw na Medical-Dental Mission ng Democratic Independent Workers’ Association o DIWA PARTY-LIST, na ginanap nitong ika-18 at 19 ng Disyembre sa Barangay Taugtog at Barangay Mambog sa Botolan, at Gordon Heights sa Olongapo, probinsya ng Zambales.

Naging maayos ang pila at ang sistema sa pagbibigay ng serbisyo sa pangunguna ni DIWA Representative Emmeline Aglipay-Villar, at sa pakikipagtulungan ng mga local government officers at volunteers na sila Olongapo City Mayor Rolen Paulino, Olongapo Vice-Mayor Rodel Sevilla Cerezo, Zambales 1st district Congressman Jeffrey Khonghun, Barangay Banicain Kagawad Mike Dalindin Fanugao, Barangay Pag-Asa Kagawad Edwin “Soler” De Guzman, Barangay Mabayuhan Kagawad Edwin, Barangay East Bajac-Bajac Kagawad Edwin Pinero, Gng. Erma Manalang, Gng. Wena Rebusada Quejada, G. Jack Gardon, Independent Democratic Organized Leaders Inc. Of Olongapo City (IDOL) sa pamumuno ni G. Alex Tinagan, at iba pang mga miyembro ng City Government ng Olongapo.

Nagkaroon din ng eye exam at check-up ang DIWA PARTY-LIST sa ikalawang araw ng kanilang medical mission kung saan napagkalooban diin ang mga mamamayan ng Zambales ng libreng salamin na naaayon sa kani-kanilang mga grado.

Ang Medical-Dental Mission ng DIWA PARTY-LIST ay naglalayong makapagbigay ng sapat, at mahusay na serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayang Pilipino, lalo na sa mga lugar na may limitadong pagkamit sa maayos na serbisyong pangkalusugan.

Ayon kay DIWA PARTY-LIST Representative Emmeline Aglipay-Villar, sinisiguro ng DIWA na maipaparating nito ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan sa mga malalayong barangay at sitio ng Laguna, Negros, Romblon at Mindoro sa mga susunod na buwan.