Negros Medical Mission

NEGROS ORIENTAL (January 22, 2015)- Nagdagsa ang daan-daan na katao sa “Libre gamot, libre bunot at libre check-up|” Medical-Dental Mission ng Democratic Independent Workers’ Association o DIWA PARTY-LIST, na ginanap nitong Byernes, ika-22 ng Enero 2016 sa Barangay Awa-an, Ayungon, at sa munisipyo ng Pamplona, sa lalawigan ng Negros Oriental.

Naging maayos ang pila at ang sistema sa pagbibigay ng serbisyo at pamamahagi ng gamot sa pangunguna ni DIWA Representative Emmeline Aglipay-Villar, at sa pakikipagtulungan ng mga volunteers at ng mga local Barangay officers sa pangunguna ni Punong Barangay Perkins Jefred D. Emperado ng Brgy. Awa-an, Pamplona Mayor Apollo P. Arnaiz, Pamplona Vice Mayor Edgardo R. Arnaiz, at ang mga council ng Pamplona.

Ayon kay Rep. Aglipay-Villar, sinisiguro ng DIWA na maipaparating nito ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan lalo na sa mga residente na nasa mga malalayong barangay at sitio.

Ang Medical-Dental Mission ng DIWA PARTY-LIST ay naglalayong makapagbigay ng sapat, at mahusay na serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayang Pilipino, lalo na sa mga lugar na may limitadong access sa maayos at kalidad na serbisyong pangkalusugan.

Daan-daang pamilya ang pumunta sa libreng konsulta sa munisipyo ng Pamplona.

Daan-daang pamilya ang pumunta sa libreng konsulta sa munisipyo ng Pamplona.

 

negros_med_mission2

 

Mula bata hanggang matanda, lahat ay nabahagian ng libreng gamot mula sa DIWA Party-list

Mula bata hanggang matanda, lahat ay nabahagian ng libreng gamot mula sa DIWA Party-list