DIWA, naglunsad ng isang multi-sectoral agency bilang pagsulong sa proteksyon ng mga OFW

Sa pangunguna ni Representative Emmeline Aglipay-Villar, bumuo ang Democratic Independent Workers’ Association (DIWA) Partylist ng isang multi-sectoral agency na naglalayong siguruhing hindi maaapektuhan ang pagpapadala ng pera ng mga OFW sa kasalukyang isinasagawang imbestigasiyon ng $81 milyong money laundering scam.

“While there has been no evidence at this stage as to the increased cost of sending money to the Philippines, it is important that we are able to pre-empt all possible scenarios. We have to see a contingency plan in black and white,” ani Aglipay-Villar.

Ayon sa datos ng World Bank, nananatiling ikatlo ang Pilipinas sa buong mundo sa pagpapadala ng remittances.
Bunsod ng mga pag-aaral na nagsasaad na nahihirapan ang remittance companies sa Pilipinas na humanap ng counterpart nila sa iba’t ibang bangko sa iba’t ibang bansa, iginiit ni Cong. Aglipay-Villar na kinakailangang mas maging aktibo ang mga mambabatas sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa iba’t ibang mga sektor ng gobyerno at ng lipunan.

“Kailangan nating tanungin ang ating mga sarili – Paano nga ba matitiyak ng ating papamahalaan sa mga karatig nating bansa na pinangangalagaan natin ang ating ugnayan mula sa money-laundering? Paano nga ba natin masisiguro ang pagkakaroon ng conversion rates na mas naaayon sa karapat-dapat matanggap ng ating mga mangaggawa?,” diin ni Aglipay-Villar.

Dagdag pa ni Aglipay-Villar, “Kinakailangan nating alamin ang mga proseso, pamamaraan, balangkas, at pasilidad na pinakamakabubuti sa proteksyon at pangangalaga sa mga datos at talaan, alinsunod sa mga limitasyong kinakaharap ng ekonomiya ng Pilipinas.”